HOME   Message   Archive   Random   Theme

Day Two: Realizations and Regrets

Alam ko sa sarili ko na mismong day ng break namin okay lang ako. Pero kagabi, iniyak ko na lahat kasi miss ko na siya. Normal lang naman na ganito maramdaman ko kasi fresh pa sa isip ko na break na kami. Naisip ko bago matulog kagabi na nakakapanibago ang lahat. Halos lahat ng rituals ko nagbago. Wala naman ako talagang magagawa kasi tapos na.

Sobrang dami pading mga bagay na nasa isip ko. Sobrang gulo. Full of realizations and regrets. Masasabi ko talaga na kulang yung oras na huling pagsasama namin para mag-usap kami. Naisip ko din na hindi enough yung letter na yun. Akala ko nasabi ko na lahat, pero hindi pa pala. Ang hirap sabihin lahat ng bagay sa kanya. Na kahit nandun ka na sa mismong pangyayari, mapapaurong nalang yung dila mo at hindi mo na masabi ang dapat na sabihin sa kanya.

Kung pwede lang sabihin sa kanya na, pwede bang round two ulit ng usapan natin? Pero it’s too late. Break na kami at wala na akong magagawa.

Putangina. Ang sakit padin e.

Follow my Twitter account. I follow back, seriously. Just PM me.

Follow my Twitter account. I follow back, seriously. Just PM me.

Day One: I’m actually trying.

First day of being single. Yeah, nakakapanibago ang lahat. Nasanay ako sa mga bagay na lagi ko ginagawa at nakikita. Pero kailangan gumawa na ako ng paraan para maka move on. Masakit talaga isipin na nagbreak na kayo ng karelasyon mo, pero ganun talaga kailangan tanggapin ang bagay na yun. Pag gising ko, walang akong nakita na bagong text sa cellphone ko. Yung tipong may mag gu-good morning yung boyfriend ko. I should act normal and try to control my feelings. Ang hirap din, kasi fresh pa sa isip ko ang mga pangyayari.

Buti nalang nung class na namin, hindi ako gaanong nadistract kasi naintindihan ko yung mga lessons for that day. After ng class, inaya ko yung kaibigan ko na mag Starbucks. Bigla nalang pumasok sa isip ko na mag-SB. To celebrate? Hahaha. Hindi ko alam. Basta feel ko mag Starbucks nun kahit wala ako pera. Ang tanga pa nga nung cashier kasi imbis na Maiee ang ilagay sa cup, nilagay Madi. Alam ko naman na walang tao na makakapagspell ng pangalan ko ng tama, pwera nalang kung kilala mo ako or close tayo.

Sabi ko sa sarili ko habang pauwi ako, kailangan ko na hindi siya pansinin for a long time. I mean kahit a week lang para makalimutan ko siya. Hindi naman sa bitter ako pero kailangan ko kasi tanggapin ang fact na wala na kami. Pero pagdating ko ng bahay, sabi ko one month ko siya hindi papansinin. Tutal kinaya ko makapag move on sa 8 month relationship, what more pa kung 3 months lang diba. Kaya naisip ko nalang na kakayanin ko to. Siguro makikita ko pa din siya, pero it doesnt matter. All I want is to think that I am already single and I need to move on.

Single but happy.

And even though I’ve gotta move on let you go, just don’t forget me.

Everything must come to an end. Just like our relationship. Three months na puno ng saya at problema. Masakit talaga isipin na lahat ng nakasanay, mawawala na. I can’t imagine myself without him in my life. Minahal ko siya e. Pero kailangan ko kalimutan ang lahat ng meron sa amin.

Kagabi, tinext niya ako at sinabi na mag-usap daw kami. Sinabi ko sa kaibigan ko yun at sinabi niya sa akin na mag handa na ako kasi alam ko na ang mangyayari. Sakto nasa harap ko mga relatives ko nung tinext sa akin ng kaibigan ko yun kaya pinigilan ko talaga ang emotions ko. Ang daming pumasok sa isip ko, pero buti nalang napigilan ko ang nararamdaman ko. May hint na ako, pero gusto ko padin kausapin siya.

Kanina, nagkita at nag-usap kami. Pagdating palang niya, napaiyak na ako. Tapos tinanong niya kung bakit ako umiiyak, kung alam ko na kung ano yung sasabihin niya. Pero hinayaan ko siya na magsalita, ayaw naman niya kasi gusto niya sa akin mismo manggaling yung gusto niya sabihin. Di ako pumayag, tapos sinabi niya na friends nalang kami. Imbis na umiyak ako, natawa ako sa kanya. Nagulat nga siya, pero natatawa talaga ako dun sa pagsabi niya nun. Iyak at tawa lang ako nung kasama ko siya but behind those laughter and tears, hindi ko tanggap na hindi na kami. Ang bilis kasi ng mga pangyayari. Lahat ng meron sa amin ang bilis.

Nung oras na yun, hindi ko alam sasabihin ko sa kanya kahit ang daming thoughts sa isip ko. Nasabi ko naman yung ibang bagay, pero hindi enough yun kaya dinaan ko nalang sa paggawa ng letter kagabi. In case kasi na hindi ako makapagsalita sa kanya, yung letter na bahala mag explain. Habang nagsasalita ako, nakita ko yung mata niya na napapaluha. Hindi ko alam magiging reaction ko nung nakita ko yung mata na yun. "I’m so lucky." yun nalang pumasok sa isip ko.

Wala na kami. Hindi ko alam, pero ang nasa isip ko kasi may hope. May pag-asa na maging kami ulit. Back to zero kumbaga. Oo masakit umasa, hindi ko alam kung bakit ganito ang nasa isip ko. Kasi he keeps on saying na friends padin kami tapos sabi ko sa kanya na last na meet na namin yung kanina, nagulat siya at sinabi na ayaw na daw ba niya ako makita. Kaya yun, parang there’s still a smile in my face kahit papano. It will take time but I know something good will happen very soon.

Stay strong, Maiee.

Lahat ng bagay may katapusan. Katulad ng relationship namin ni Phil. Wala na. Tapos na. Oo masakit para sa akin, pero kailangan ko tanggapin. Nung nalaman ko syempre deep inside sobrang sakit. But were not yet officially break, pero alam ko na sa sarili ko na magbebreak kami. Wala e, ayaw ko na din umasa sa wala. Sobrang sakit lang para sa akin. Hindi ko nga alam mangyayari bukas pag nag usap kami. Kung iiyak ba ako or what. Ah basta, I need to be a strog woman no matter what happens.

Nakakaputa talaga.

Isang araw hindi siya nagparamdam sa akin dahil sa isa kong mistake. Biruin mo, isang pagkakamali mo lang posible na magbago ang lahat. It was all my fault. May nagawa akong bagay na hindi maganda. Ang tanga ko, sobra. Sasayangin ko lahat ng meron sa amin dahil sa katangahan na ginawa ko. Kaya eto, ginagawa ang lahat makuha lang ang attention niya. Kahit mag mukha na akong tanga, gusto ko maayos lahat ng meron sa amin. Mahal na mahal ko siya e. Hay, ano ba to. Natatakot nanaman ang sa mangyayari after this. Back to normal nanaman ako siguro neto. Tangina, nababaliw na ako. Hindi ko alam gagawin ko e. Yung mga nakasanayan ko, baka mawala. Tanga mo kasi Maiee. Tanga mo leche tangina mo.

#me
x

x

Parang dati lang lahat ng nasa dashboard ko kilala ko lahat ng mga bloggers na finafollow ko, tapos ngayon “WTF SINO TO FINALLOW KO BA TO BAT ANDITO SIYA SA DASHBOARD KO HINDI KO SIYA KILALA” Okay.

May tao talaga na dadating sa buhay mo na babaguhin niya lahat sayo.

100% tuloy na dapat ako sa SAKMU. Pero nung nalaman ko na ililipat ang date ng meet-up at sa Sabado. Bigla akong nainis. No one to blame, btw. Kasi sure na e, pwede na ako. Hindi naman ako pwede ng weekends at hindi ko alam ipapaalam ko pag ganun kasi wala namang pasok. So ayun, hindi na pala ako pupunta. Haysssss.

Sabi nung prof ko dati, ang teenage stage ang stage ng paglalandi. Kasi ang stage daw natin ay ang stage ng paghahanap ng partner natin. Kaya natin nagagawa na lumandi kasi daw hinahanap natin ang tamang tao para sa atin. Kaya yung mga iba dyan wag kayo magtataka kung bakit madaming malandi, normal lang daw kasi sa mga teenager na katulad natin ang maging malandi.

*just being matured* lol

1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 OLDER